Ngayong Lunar New Year, iba ang pagdiriwang ng mundo. Habang gumagawa ng mga pag-iingat ang mga tao laban sa COVID-19, ginagamit nila ang Instagram para kumonekta sa mga malikhaing bagong paraan. Ilo-launch namin ngayon ang ilang feature para gawing mas festive ang mga virtual celebration.
Hangad ng Instagram sa mga nagce-celebrate ang isang mabuting kapalaran, kalusugan at kayamanan sa darating na taon.
Higit pang tungkol kay @naomiotsu: Si Naomi Otsu ay isang graphic designer at illustrator na naka-base sa New York. Kadalasang pini-feature ng kanyang gawa ang makukulay na array ng mga elemento na hango sa mga lungsod at kulturang kinalakihan niya. Sa ngayon siya ay isang freelancer na gumagawa ng iba’t ibang mga project.
Higit pang tungkol kay @___jamon: Nagpapatakbo si Moon-mi You ng home cafe sa Korea, gumagawa ng mga video ng mga inumin na may layuning magpaabot ng mensahe na "Hindi ako professional, pero pwede kong ma-enjoy ang baking at cafe-style na mga inumin sa bahay kahit magkamali ako.” Dinagdagan niya kamakailan ang kanyang video series para isama ang malawak na range ng mga pagkain, kasama ang baking at pagluluto.
Higit pang tungkol kay @hevesh5: Si Lily Hevesh ay isang professional na Domino Artist, na nakabase sa Boston, MA, na nagde-design, gumagawa, at tina-topple ang libo-libong domino para gumawa ng magagandang intricate na mga chain reaction. Nakita ang kanyang gawa nang mahigit sa 1 bilyon beses sa social media kung saan nakakuha siya ng mahigit sa 3,000,000 follower.
MGA MAY KAUGNAYANG ARTICLE